Four things you can do to support your teen’s mental health

Iparamdam sa iyong anak ang pagmamahal at aruga habang inaalagaan rin ang iyong sarili.

UNICEF
The Loreniana family poses for a portrait outside their house.
UNICEF/UNI358493/Hogsholt
06 June 2022

Maganda man ang iyong connection at relasyon sa iyong teenager, o may mga challenges, importanteng iparamdam sa kanya ang iyong pagmamahal at suporta; na nandyan ka para sa kanya through the good and bad times.

Here are four things to keep in mind when having that ‘how-are-you-doing?’ conversation with your teen and showing that you are always there for them:

1. Encourage them to share their feelings

  • Look for ways to check in with your teen. Kamusta ang araw niya? Ano ang kanyang pinagkakaabalahan? Ayain siya na magluto ng hapunan o kaya sumama mag-grocery para makapag-catch up ka tungkol sa araw niya.
  • Remind them that you are there for them, no matter what. Na nandyan ka para makinig tungkol sa mga iniisip at mga nararamdaman niya. A few simple words of encouragement can help them feel comfortable sharing their feelings with you.
  • Importanteng i-acknowledge at intindihin ang mga nararamdaman at pinagdaraanan niya, kahit uncomfortable mang pakinggan. Kapag nag-open up siya sayo, maaaring sabihin na “I understand” o “parang mahirap ang pinagdaraanan mo”.
  • Madaling magpuna ng mga hindi magagandang ugali o kilos ng iyong teenager. Pero, subukan mo ring bigyan ng atensyon at maging proud sa mga mabubuti at mahuhusay na mga nagagawa niya – kahit gaano man ito kasimple tulad ng paglilinis ng kanyang kwarto.

>> Read more about positive discipline and its benefits

Remind them that you are there for them, no matter what. Na nandyan ka para makinig tungkol sa mga iniisip at mga nararamdaman niya.

2. Take the time to support them

  • Work together on setting up new routines and achievable daily goals. Pwedeng mag-set ng targets gaya ng pagtapos ng homework niya bago mag-dinner time.
  • Adolescence means independence! Subukan mong bigyan siya ng Me time at personal space. Needing space is a normal part of growing up.
  • Find a few ways you can support and encourage your teen to take breaks (from schoolwork, housework, or other activities they may be working on) to do things they enjoy. Kung frustrated siya, tulungan mo siyang mag-isip ng solusyon sa problema niya. Iwasang pangunahan siya at sabihan kung ano ang dapat gawin.

Subukan mong bigyan siya ng Me time at personal space. Needing space is a normal part of growing up.

3. Work through conflict together

  • Listen to your teen’s views and try to sort out conflict calmly. Tandaan: lahat ng tao ay nakakaranas ng stress!
  • Never discuss an issue while you are angry. Huminahon kapag mainit na ang ulo mo: dumistansya, huminga nang malalim, at kumalma — pag-usapan muli kapag ready na kayo pareho.
  • Avoid power struggles. With the world feeling unpredictable and options looking limited right now, teens might be struggling to be in control. Maki-empathize sa pagnanais ng iyong anak na mag-assert ng control sa panahon na ito. Iwasan ang pag-pigil o pag-overpower sa kanya.
  • Be honest and transparent with your teen: maaaring sabihin sa kanya na sobrang stressed ka rin. Ipakita sa kanya kung paano mo hinaharap ang mga mabibigat na emosyon para ma-realize niya na valid at okay lang na hindi maging okay.
  • When there is conflict, take some time to reflect on how you and your teen can resolve it. Subukan niyong pag-usapan ang pinag-taluhan para mas maintindihan niyo ang perspective at ang nararamdaman ng bawat isa.

Maki-empathize sa pagnanais ng iyong anak na mag-assert ng control sa panahon na ito. Iwasan ang pag-pigil o pag-overpower sa kanya.

4. Care for yourself

Caregivers have a lot to deal with. You also need care and support for yourself. Ang pag-aalaga sa sarili ay isang magandang example sa iyong anak.

  • Don’t wait to ask others for help if you are feeling overwhelmed. Normal at okay lang na mapagod at makaranas ng stress. Mag-open up sa kapamilya o kaibigan.
  • Make time for your own relationships. Makipag-catch up at mangamusta sa iyong mga kaibigan.
  • Make time in your day to do the things that help you cope with and manage stress. Gaano man ka-busy ang araw mo, importante na alagaan ang iyong wellbeing. Maglaan ng oras kada araw para makapag-relax at makapagre-energize.
  • Try different positive coping strategies that work for you. Mag-exercise, makipagkita sa mga kaibigan, gumawa ng to-do list, magplano nang maaga, gumawa ng mga routine, maglaan ng oras para sa self-reflection, magsulat ng journal, makinig ng musika, sumayaw, magpinta!

Gaano man ka-busy ang araw mo, importante na alagaan ang iyong wellbeing. Maglaan ng oras kada araw para makapag-relax at makapagre-energize.

Messages in this guide were developed by the Inter-agency Standing Committee Mental Health and Psychosocial Support Reference Group.